Home NATIONWIDE Mas matibay na alyansa sa rehiyon para sugpuin smuggling sinuportahan ng solon

Mas matibay na alyansa sa rehiyon para sugpuin smuggling sinuportahan ng solon

3
0

MANILA, Philippines – Susi ang kooperasyon sa rehiyon upang mawasak ang mga sindikato ng smuggling na kumikilos sa iba’t ibang bansa, ayon kay Abra Rep JB Bernos.

Ang pahayag ay ginawa ni Bernos kasabay ng pagbibigay suporta sa pinalakas na pakikipagtulungan ng Philippine National Police sa Southeast Asia law enforment agencies upang pigilan ang pagpasok ng mga iligal na produkto sa bansa.

“Smuggling is a regional problem, thus, solving it requires that we look at the issue at a regional level and seek to work more closely with our neighbor countries,” ani Bernos.

Una nang sinabi ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na pinaiigting ng PNP ang mga operasyon ng pagbabantay at pinapalawak ang pakikipagtulungan sa mga ahensya sa  Southeast Asia upang patibayin ang kampanya laban sa smuggling, partikular ang mga iligal na sigarilyo.

Sinabi ni Bernos, Vice Chairperson ng  House Committee on Public Order and Safety, na ang pagbabahagi ng impormasyon o intelligence sharing at mga joint cross-border operation ay napakahalaga upang maputol ang mga operasyon ng mga sindikato sa likod ng smuggling.

“We live in an increasingly borderless world, so the challenges of stopping smuggling also multiply because of the faster movement of illicit goods. Kaya mahalaga ang pakikipag-tulungan sa mga karatig-bansa natin para magkaroon tayo ng mas malawak at malalim na pag-unawa sa galaw ng mga sindikato ng smuggling,” pahayag nito.

Pinuri rin ng mambabatas ang mga pagsisikap ng PNP at mga katuwang nitong ahensya, kabilang ang Bureau of Customs at National Bureau of Investigation, na nakasamsam ng mahigit P10 bilyong halaga ng smuggled na sigarilyo mula nang isagawa ang mga operasyon sa Batangas at Metro Manila.

iginiit ni Bernos na ang tuloy-tuloy na operasyon laban sa smuggling ay napakahalaga hindi lamang upang protektahan ang mga lehitimong negosyo at magsasaka ng tabako sa Abra kundi pati na rin upang mapangalagaan ang kita ng pamahalaan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here