Home NATIONWIDE Co-accused ni Zaldy Co sa P298M flood control project case humihiling ng...

Co-accused ni Zaldy Co sa P298M flood control project case humihiling ng hospital arrest

3
0

MANILA, Philippines – Humihirit ng hospital arrest ang co-accused ni dating mambabatas Zaldy Co sa kasong malversation, nitong Huwebes, Agosto 13 sa Sandiganbayan matapos na ma-stroke habang nasa detentinon.

Si Juliet Calvo, dating Maintenance Division chief ng Department of Public Works and Highways-Mimaropa, ay naghain ng kanyang mosyon sa Sandiganbayan sa pamamagitan ng abogado nito.

Ang 64-anyos na akusado ay nasa ospital matapos dumanas ng stroke sa Women’s Dorm sa Camp Karingal noong Agosto 5.

Siya ay paralisado at hindi umano makapagsalita, ayon sa abogado.

Hindi naman tinutulan ng prosekusyon ang mosyon para sa kanyang hospital arrest.

Inatasan naman ng Sandiganbayan ang mga doktor nito na humarap sa korte para iulat ang kanyang kondisyon bago mag-isyu ng resolusyon.

Sangkot si Calvo sa umano’y substandard na P289 milyon flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here