Home NATIONWIDE Pasay mayor: Regular na pag-iinspeksyon, susi sa paghahanda sa flood control

Pasay mayor: Regular na pag-iinspeksyon, susi sa paghahanda sa flood control

1
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng pahayag si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na nagsabing mahalaga ang regular na inspeksyon at clearing operations upang matiyak na nananatiling handa ang mga pumping station at drainage system na gumanap ng kanilang tungkulin sa oras na higit na kinakailangan ang mga ito.

Ang pahayag ni Calixto-Rubiano ay kasunod ng isinagawang on-site inspection ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. o BBM sa Diokno Pumping Station sa Pasay City nitong nakaraang Agosto 12, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng personal na pagsuri sa mga pasilidad na panlaban sa baha habang pinaiigting ng mga ahensya ng pamahalaan ang mga hakbang upang maprotektahan ang mga komunidad laban sa pagbaha.

Kasama si Calixto-Rubiano at kanyang nakatatandang kapatid na si Congressman Tony Calixto, sinuri ni BBM ang nagpapatuloy na clearing at waste collection operations sa pasilidad. Tiningnan din niya ang kondisyon ng pumping station at ang progreso ng mga hakbang sa pagtanggal ng basura at mga debris.

Sa isinagawang inspeksyon, nasuri ng Pangulo at mga lokal na opisyal ang aktuwal na kalagayan ng pasilidad at natukoy kung maayos na napapanatili ang mga drainage at pumping facility at kung malaya ang mga ito sa mga bara na maaaring makaapekto sa operasyon kapag malakas ang ulan.

Ayon kay Calixto-Rubiano, patuloy na nakikipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod sa mga pambansang ahensya upang matiyak na maayos na napapanatili ang mga imprastraktura para sa flood control at agad na natutugunan ang mga problemang nakaaapekto sa daloy ng tubig-baha.

Nagbigay rin ng pagkakataon ang pagbisita sa mga pambansa at lokal na opisyal na repasuhin ang mga clearing activity at tukuyin ang mga lugar na nangangailangan ng tuloy-tuloy na atensyon.

Kablang sa pag-iinskpeksyon nina Marcos, Calixto-Rubiano at Congressman Calixto sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes, at Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin.

Binigyang-diin ng kanilang pagdalo ang pangangailangan para sa koordinadong pagmamanman sa mga flood-control facility at mabilis na pagkilos kapag may mga problemang lumilitaw.

Iginiit ni Calixto-Rubiano na hindi dapat nagtatapos sa pagtatayo o paglalagay ng mga imprastraktura ang mga hakbang para sa flood control. Aniya, dapat itong samahan ng tuloy-tuloy na inspeksyon, maintenance, clearing operations, at wastong pamamahala ng basura. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here