Home HOME BANNER STORY Erice sinita ng Palasyo sa sinabing ‘di ipakukulong ni PBBM si Romualdez

Erice sinita ng Palasyo sa sinabing ‘di ipakukulong ni PBBM si Romualdez

2
0

MANILA, Philippines – Sinita ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Huwebes, Agosto 13 si Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice sa pahayag nitong hindi umano kaya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipakulong ang kanyang pinsan na si dating speaker at incumbent Leyte Rep. Martin Romualdez sa kontrobersiya ng flood control.

Ani Castro, ang lahat ng mga pahayag ni Erice ay pawang teorya lamang at hindi batay sa katotohanan.

“Ito ay iniisip niya lang. Nakausap niya ba ‘yung Pangulo nang diretso para malaman niya kung ano ang damdamin ng Pangulo patungkol dito sa mga tao na nasasangkot sa flood control mess? Kasi kung hindi niya nakausap ang Pangulo at hindi niya alam ang damdamin ng Pangulo, ‘wag siyang magsalita,” sinabi ni Castro.

“‘Wag siyang magsalita na parang may alam siya sa sinasabi ng Pangulo. Wala siyang karapatan maging spokesperson ng Pangulo, unless papalitan niya ako rito,” dagdag pa.

Matatandaan na sa State of the Nation Address ng Pangulo, iniulat nito ang pagsasampa ng mga kaso at pagpapakulong sa mga ranking official at contractor sa flood control project scandal at inaasahang sasampahan na rin ng kaso si Romualdez.

Bilang tugon ay sinabi ni Romualdez na nirerespeto niya ang mga sinabi ng Pangulo sa SONA.

Ani Castro, nais niyang personal na makausap si Erice upang tanungin kung saan nito nakukuha ang mga alegasyon laban kay Marcos.

“Si Cong. Erice ang isa sa pinakagusto kong makausap kaharap kayo at tatanungin ko siya nang diretso: Saan nanggagaling ang lahat ng sinasabi mo? Bigyan niya ko ng ebidensya dahil puro rin ‘to na intriga. Mahirap sumagot ng puro intriga.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here