Home NATIONWIDE Resulta sa 2026 mechanical engineers licensure exam inilabas ng PRC

Resulta sa 2026 mechanical engineers licensure exam inilabas ng PRC

3
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Professional Regulation Commission nitong Huwebes, Agosto 13, ng mga resulta para sa tatlong pagsusulit na ibinigay ng Board of Mechanical Engineering nitong unang bahagi ng buwan.

Ayon sa PRC, 1,362 sa 3,686 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa sa mechanical engineers licensure examination.

Samantala, 109 sa 142 ang pumasa sa certified plant mechanics computer-based licensure examination.

Ginanap ang mga pagsusulit ng Board sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga.

Nakuha ni Junry Vitor Vistal na nagtapos sa University of Cebu ang pinakamataas na score na 92.20%.

Sa mga nangunang paaralan, De La Salle University-Manila ang nanguna sa kategoryang may hindi bababa sa 50 examinees matapos pumasa ang 49 sa 56 nitong kumuha ng exam.

Samantala, Capiz State University-main campus naman ang nanguna sa kategoryang 10 hanggang 49 examinees matapos pumasa ang 21 sa 25 nitong test takers.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ng PRC na 574 test takers ang pumasa sa oral examination/technical evaluation para sa professional mechanical engineers.

Ginanap ito ng Board sa Metro Manila, Baguio, Calapan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Puerto Princesa at Rosales. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here