Home NATIONWIDE DOJ: ‘Di dapat death penalty ipataw na parusa ng US kay Quiboloy

DOJ: ‘Di dapat death penalty ipataw na parusa ng US kay Quiboloy

1
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Justice (DOJ) ang page-review sa mga dokumento mula sa Estado Union para sa Hiling na extradition kay Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang respondents.

Sinabi ni Chief State Counsel Dennis Chan na inaaral nila kung nakasusunod sa RP-US Extradition Treaty at sa Philippine Extradition Law ang hiling ng US

Kabilang sa pangunahing tintiiyak ng DOJ ay kung iisang tao lamang ang tinutukoy ng Estado Union sa kahilingan at ang taong nasa Pilipinas at kung kapareho ba sa Pilipinas ang mga ikinasong criminal act o kung hindi man ay maituturing pa ring extraditable offense.

Pero isa sa pinakamahalagang kondisyon, hindi dapat death penalty ang ipataw kay Quiboloy sa Estado Unidos kapag napatunayang nagkasala sa batas.

Kumpiyansa si Chan na hindi aabutin ng taon ang proseso sakaling maisulong ang petition for extradition laban kay Quiboloy at dalawang kasamahan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang review ng DOJ sa mga dokumento ng isinulat ng DFA mula sa U.S. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here