MANILA, Philippines – Masusing iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang isang estudyante na umano’y nahulog mula sa ika-sampung palapag ng gusali sa Malate, Maynila.
Sa ulat ng MPD, isang concern citizen ang nagreport sa mga security guard ng Female Athletes Dorm DLSU na matatagpuan sa F.Reyes Street na may isang babaeng nasa gilid ng palapag ng gusali.
Agad namang tumugon ang sekyu na sina SG Rey Cadag at SG Homer Danielis kung saan inabutan ang biktima na nasa delikadong posisyon sa naturang bahagi ng gusali.
Nagulat na lamang ang naturang mga sekyu nang bilang gumulong at nahulog ang biktima sa ibaba.
Agad ding sinuri ang biktima ng rumespondeng doktor sa pinangyarihan ng insidente ngunit idineklara na itong dead on the spot. Jocelyn Tabangcura-Domenden