Home ENTERTAINMENT LT, navy reservist na!

LT, navy reservist na!

2
0

Manila, Philippines – Bahagi na ng Philippine Navy Reserve ang award-winning actress na si Lorna Tolentino.

Gumradweyt siya sa HQ ng Philippine Navy sa Fort Bonifacio sa Taguig City nitong August 7.

Ang pagiging reservist ni LT ay sa Medics at sa Media.

Nag-undergo din siya ng training sa Cavite tulad ng pagsakay sa rubber boat: “Ang hirap… sumakit ang katawan ko!”

Puwede nga daw siyang tumilapon kung hindi siya nakakapit sa lubid:

“Sabi ko, ‘Ano ba ‘yan? Kung kelan ako tumanda?'”

Giit ng aktres, ang namayapang asawa niyang si Rudy Fernandez ang nagsilbing inspirasyon niya para magpa-enlist sa Philippine Navy.

Rudy was a Philippine Navy reservist himself, ani Lorna.

Noong pumanaw nga ito’y binigyan ito ng military honors, bagama’t hindi sure ang aktres what Rudy’s rank was.

Marami na ngang nagsunurang celebrities pagkatapos ni Rudy. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here