Home ENTERTAINMENT Heart, sinabing ok lang na no friends basta’t may pera, nagpaliwanag!

Heart, sinabing ok lang na no friends basta’t may pera, nagpaliwanag!

6
0

Manila, Philippines – Iba’t-iba ang naging reaksyon noon ng kibitzers nang mag-side comment si Heart Evangelista sa kanyang game show kung saan sinabi niyang okey lang sa kanya ang walang kaibigan basta may pera.

Bagama’t may bumibilib sa pagiging prangka at praktikal ng TV host-actress, marami rin ang bumatikos sa asawa ng senador.

Kamakailan naman, naglabas naman ng pahayag si Heart para linawin ang nasabing side statement.

Ibig daw niyang sabihin ay mapili siya at konti lang ang pinagkakatiwalaan niya sa kanyang friends.

“Ang ibig kong sabihin, if I can explain, I’d rather have a handful of friends than an army of acquaintances. Kapag sinabi mo kasing friends, parang friends lang. Pero iba ‘yung ‘pag trinato mo ng pamilya,” bulalas niya.

Binawi rin niya ang nauna niyang pahayag na diumano’y na-misinterpret.

“Pero sa totoo lang, para sa akin, babawiin ko ‘yun. I’d rather have my family and my real friends than a lot of money,” hirit niya.

Gayunpaman kung pareho raw siyang mabibigyan ng swerte, bet daw niyang maging successful sa pera at pakikipagkaibigan.

“Pero kung sabay, okay din,” pahabol niya.

Ipinagtanggol naman siya ng King of Talk na si Boy Abunda.

Sey ni Boy: “I understand, Heart. Nauunawaan natin yan. At minsan talaga, pabiro ‘yan.

“But it’s nice to have both, ‘di ba? You work hard for the money and then you work hard at friendships. Importante ‘yan,” pahabol niya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here