MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na umuusad at may progreso ang usapin ng joint oil at gas exploration ng Pilipinas at China.
Ayon sa Pangulo, mahalagang maghanap ng bagong mapagkukunan ng langis at gas ang bansa, lalo na dahil sa krisis sa Middle East. Sinabi niyang kailangan ng Pilipinas na palawakin ang mga pinagkukunan ng enerhiya.
“We’re making progress,” aniya.
Dagdag pa niya, nalalampasan na nila ang ilang isyung naging hadlang sa simula ng negosasyon.
“There were several issues from the beginning that we are slowly working through. And I can see this new possibility that there will be such joint exploration.”
Wala pa umanong tiyak na iskedyul kung kailan maisasakatuparan ang joint exploration, ngunit sinabi ni Marcos na nais ng lahat ng panig na magtagumpay ito.
“I think the sense that I get is that all parties involved want it to succeed.”
Sa kasalukuyan, tinutukoy pa ng dalawang bansa ang mga terms of reference o mga tuntunin para sa posibleng joint venture.
Binigyang-diin ni Marcos na hindi sila magsasagawa ng ganitong mga pag-uusap kung wala silang layuning maisakatuparan ang joint oil at gas exploration sa huli. RNT/MDS