BATAAN, Philippines – Hinatulan ng Hukuman dalawang beses na habambuhay na pagkabilanggo ang isang lalaki na nagkasala sa batas dahil umano sa pagtutulak ng iligal na droga sa Bataan.
Kinilala ang akusadong si alyas “Goryo” na dalawang beses na nahuli at makumpiskahan ng iligal na droga, sa serye ng buybust operation pulisya sa Limay, Bataan.
Batay sa ilang pahinang desisyon ni Branch 4 Bataan Regional Trial Court Judge Emmanuel Silva, ang akusado ay napatunayan “Guilty Beyond Reasonable Doubt” at may Katumbas na hatol ng dalawang beses na habambuhay na pagkabilanggo dahil sa naging paulit-ulit na tahasang paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drug Law.
Bukod sa pagkabilanggo, pinagbabayad din Korte ang akusado ng multang P1-Milyon Piso sa dalawang paglabag nito sa batas kontra iligal na droga. (ROEL TARAYAO)