Home NATIONWIDE Senator Bong Go, nakiisa sa PSIM Davao Regional Conference

Senator Bong Go, nakiisa sa PSIM Davao Regional Conference

3
0

DAVAO, Philippines – Pagkatapos ng mga trabaho sa Senado, dumiretso naman ng Mindanao si Mr. Malasakit Senator Bong Go. Nakiisa ang senador sa 4th Davao Regional Conference ng Pambansang Samahan ng Inhenyero Mekanikal (PSIM)–Davao Chapter nitong Huwebes, August 13, 2026 sa SMX Convention Center, Davao City, bilang Guest of Honor and Speaker.

Ayon kay Mr. Malasakit, mahalaga ang ambag ng mga mechanical engineers sa pag-unlad ng bansa, lalo na sa manufacturing, energy, transportation, infrastructure, at iba pang industriya.

Bilang kapwa Dabawenyo, ipinagmamalaki ni Senator Bong Go ang husay at talento ng ating mga mechanical engineers. Aniya, anuman ang propesyon o posisyon, may paraan ang bawat isa upang makapaglingkod sa bayan.

Kinikilala rin niya sina PSIM Davao Chapter President Engr. Concordio Libut Jr., kasama ang mga opisyal, PSIM National President Engr. Nestor de Jesus Jr., Executive Vice President Engr. Arnold Jimeno, mga miyembro, industry partners, at humigit-kumulang 420 delegates na dumalo sa pagtitipon. Cesar Morales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here