Home NATIONWIDE Ilang bahagi ng Luzon apektado pa rin ng Habagat

Ilang bahagi ng Luzon apektado pa rin ng Habagat

1
0

MANILA, Philippines – Apektado pa rin ng Habagat ang ilang bahagi ng Luzon ngayong Linggo, Agosto 16.

Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Ang Metro Manila, Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil din sa Habagat.

Habang ang Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here