Home HOME BANNER STORY Delay sa 911 kaya may namatay, iniimbestigahan na ng DILG

Delay sa 911 kaya may namatay, iniimbestigahan na ng DILG

3
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang umano’y delay sa pagresponde sa tawag sa 911 sa isang medical emergency na batay sa nag-viral na social media post, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.

“We are investigating the matter.”

Sa viral na Facebook post, inalala ng netizen na si Basti Askri ang pag-dial sa 911 ng halos 10 minuto at hindi nakatatanggap ng anumang sagot habang kinakailangan ang agarang tulog para sa ama na inatake sa puso.

“At nung may sumagot na… puro ‘wait.’ Rinig na rinig ko pa ’yung tawanan at chikahan habang may taong nangangailangan ng emergency assistance. Tapos inatake na ang tatay ko,” saad sa post.

Sinabi pa ng netizen na nang dumating ang ambulansya ay kulang pa ito sa automated external defibrillator (AED) at ibang mahalagang kagamitan.

Dahil dito ay kinailangang i-CPR ng pamilya ang ama nang walang medical personnel na tumutulong at kalaunan ay namatay ito.

Ang alegasyon ay nagtulak sa DILG para imbestigahan ang sitwasyon patungkol sa 911 response at kagamitan sa ambulansya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here