Home NATIONWIDE Pananambang kay Macacua pinaiimbestigahan na ng Comelec

Pananambang kay Macacua pinaiimbestigahan na ng Comelec

3
0

MANILA, Philippines – Inutusan ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hanapin ang mga salarin sa pananambang kay Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.

Sa isang pahayag noong Sabado ng gabi, sinabi ni Macacua na ang kanyang convoy, pabalik mula sa isang pampublikong pakikipag-ugnayan, ay “tinambangan” sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sinabi ni Garcia na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar ay napakahalaga– ito man ay may kinalaman sa halalan o hindi.

Sa pahayag ni Macacua, binigyang-diin niya na ang “kaduwagan na gawain” ay hindi “magpahina sa ating pasya na idaos ang unang Bangsamoro Parliamentary Elections.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here