Home HOME BANNER STORY Bakit tumatas ang bill sa kuryente?: Basahin ang paliwanag ng Meralco

Bakit tumatas ang bill sa kuryente?: Basahin ang paliwanag ng Meralco

1
0

Bihirang iisa lamang ang dahilan ng mataas na bill. Kadalasan, sabay-sabay na gumagalaw ang ilang salik, mula sa
konsumo at gawi sa bahay hanggang sa kondisyon ng appliance, panahon, at umiiral na singil.

Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesperson ng Meralco, dalawang bagay ang humuhubog sa buwanang bill, ang dami ng kuryenteng nagamit at ang halaga ng singil dito.

Ang pagbabago sa alinman sa dalawa ay nakakaapekto sa kabuuan. Hindi rin pare-pareho ang singil bawat
buwan. Naaapektuhan ito ng presyo ng fuel, galaw ng palitan ng dolyar, panahon, suplay at demand, at iba pang
kondisyon ng merkado.

Hindi rin napupunta sa iisang kompanya ang buong bill. Ang generation charge ay para sa mga generation
company sa pamamagitan ng kontrata o ng Wholesale Electricity Spot Market. Ang transmission charge ay
napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines. Ang distribution charge ang sumasagot sa paghahatid
gamit ang network ng Meralco, at regulado ito ng Energy Regulatory Commission. May system loss para sa
kuryenteng nawawala sa daan, technical man o non technical.

Itinakda ng pamahalaan ang VAT at iba pang
buwis, gayundin ang lifeline at senior citizen subsidies, na iba sa diskwentong natatanggap ng mga benepisyaryo.

Mahalaga rin ang appliance. Ang mga kagamitang lampas sampung taon na ay maaaring hindi na kasing
episyente ng bagong modelo kahit mukhang maayos pa. Malaki rin ang konsumo ng electric water heater,
electric kettle, oven, plantsa at rice cooker.

Payo ni Zaldarriaga sa mga konsyumer, ihambing ang kilowatt hour, singil at breakdown, hindi lamang ang kabuuang halaga.
Para sa mga alalahaning may kinalaman sa account, gamitin ang opisyal na customer service channel imbes na
ipaskil ang buong bill sa publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here