MANILA, Philippines – Tinangay sa kanal ang 11-anyos na batang lalaki dahil sa malakas na agos ng tubig-baha sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan sa Mabini, Batangas nitong Martes, Agosto 18.
Kinilala ng Calabarzon police ang nawawalang bata na si “Terenz,” residente ng Barangay San Jose.
Ayon sa pulisya, si Terenz ay naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan sa binahang kalsada nang tangayin ng malakas na agos ng baha patungo sa kanal sa Barangay Anilao East bandang 5:20 ng hapon.
Inilunsad na ang search-and-rescue operation para hanapin ang bata. RNT/JGC