Home NATIONWIDE Office of the President transparent sa mga foreign trips ni PBBM- Malakanyang

Office of the President transparent sa mga foreign trips ni PBBM- Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na “transparent” ang Office of the Presidets (OP) pagdating sa mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay tugon sa panawagan ng Office of the Vice President na isapubliko ang lahat ng travel authorities at expenses na inaprubahan ng Malakanyang.

Nauna rito, hinamon ni Vice President Sara Duterte ang Malakanyang na maging transparent sa mga gastusin at pondong pampubliko na ginagamit para sa mga biyahe ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Martes, Agosto 18, 2026, iginiit ni VP Sara na hindi lamang isang tanggapan ng gobyerno ang dapat hingan ng transparency at accountability.

Ang pahayag ay inilabas kasunod ng mga ulat tungkol sa kaniyang nakatakdang personal na biyahe sa Japan mula Agosto 19 hanggang 24, na una nang kinumpirma ng Presidential Communications Office (PCO).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang foreign travels ng OP ay ay palaging malawak na naiulat at nagdaraos muna ng press briefings bago pa ang nasabing pagbyahe.

“Hindi po iyan nakatago, hindi po iyan itinatago,” ang binigyang din ni Castro.

Kumpletong resibo, walang peke, walang alias. Maaari po itong makita at ito naman po ay naire-report na rin po sa COA (Commission on Audit),” aniya pa rin.

Winika pa ni Castro na bilang isang public official, walang masama kung ipaaalam sa publiko ang foreign travels ni VP Sara.

“So, kung sino iyong nagde-demand ng transparency, dapat maging transparent din siya sa kanyang mga activities,” ang pahayag ni Castro.

At nang tanungin si Castro kung ang detalye ng travel expenses ng government officials ay isasapubliko, sinabi ni Castro na “subject to COA audit” ang tanging mga byahe na inilalathala at ginagastusan.

Nilinaw naman ng Malakanyang na natanggap ng OVP ang travel authority na ipinalabas mula 12:41 p.m. ng Agosto 17, at natanggap ng Malakanyang ang kanselasyon ng 6:07 p.m. ng Agosto 18. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here