Home NATIONWIDE Situation briefing sa epekto ng Habagat, pinangunahan ni PBBM

Situation briefing sa epekto ng Habagat, pinangunahan ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 19, ang situation briefing sa epekto ng Habagat o Enhanced Southwest Monsoon, kabilang ang pagbaha sa Metro Manila at iba pang lugar.

Iniulat na mas mabilis nang humuhupa ang tubig dahil sa patuloy na dredging, pagpapalawak ng drainage systems, at operasyon ng mga pumping station.

Ipinag-utos ng Pangulo ang pagpapatuloy ng dredging at pumping operations, pagpapalit ng mga lumang drainage, at pag-upgrade ng seawalls at iba pang floodwater-management structures.

Iniatas din ang pagtatapos ngayong buwan ng detailed engineering para sa 30 sites para sa underground water-storage facilities.

Ayon kay Pangulong Marcos, dapat pag-aralan ang water-capture and reuse system upang magamit ang makokolektang tubig para sa household, industrial at irrigation purposes sa halip na itapon sa dagat, habang nagpapatuloy ang mga hakbang sa pangmatagalang pamamahala sa baha. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here