Home NATIONWIDE Tulfo: Burarang gun owners panagutin

Tulfo: Burarang gun owners panagutin

2
0

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Sen. Erwin Tulfo ang criminal liability laban sa mga gun owner na nagpabaya sa kanilang armas kung makuha ito ng menor de edad at magamit sa pananakit o pagpatay.

Sa kanyang privilege speech sa Senado nitong Agosto 19, sinabi ni Tulfo na dapat suriin kung sapat ang umiiral na mga panuntunan upang matiyak na hindi naaabot ng mga bata ang mga baril na nasa kustodiya ng mga lisensiyadong may-ari.

“A firearm is a responsibility, Mr. President, not a right without accountability,” ani Tulfo sa plenaryo.

Binigyang-diin ng senador ang usapin ng pananagutan kasunod ng dalawang magkahiwalay na school shooting sa Tacloban City noong Hunyo 22 at Zamboanga City noong Agosto 18, kung saan mga baril na pag-aari o nasa kustodiya ng mga nakatatanda ang iniulat na napunta sa mga menor de edad.

Sa insidente sa San Jose National High School sa Tacloban, isa sa mga armas na ginamit ay naiugnay sa isang police officer na kamag-anak ng isa sa mga menor de edad na sangkot. Sa Ateneo de Zamboanga University shooting naman, sinabi ng mga awtoridad na ang mga armas na ginamit ay pag-aari ng ama ng student shooter, isang opisyal ng Bureau of Customs.

Nauna nang naghain si Tulfo ng Proposed Senate Resolution No. 487 kaugnay ng Tacloban shooting at Proposed Senate Resolution No. 607 para imbestigahan ang insidente sa Zamboanga. Isinusulong din niya ang Senate Bill No. 2411 o Schools Security and Safety Act of 2026 bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan.

Iginiit ni Tulfo na hindi dapat matapos sa pagtalakay sa school security ang tugon ng pamahalaan at kailangan ding papanagutin ang mga nakatatandang may obligasyong tiyaking ligtas at hindi maaabot ng mga bata ang kanilang mga armas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here