Home HOME BANNER STORY Bulacan, isinailalim sa state of calamity dahil sa malawakang baha

Bulacan, isinailalim sa state of calamity dahil sa malawakang baha

1
0

BULACAN, Philippines – Isinailalim sa state of calamity ang Bulacan nitong Huwebes dahil sa malawakang pagbaha matapos ang ilang linggong pag-ulan.

Sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 708-T’2026, idineklara ang state of calamity sa buong lalawigan.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy at Bulakan, kung saan umabot sa anim na talampakan ang taas ng baha.

Ayon sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), lahat ng 23 bayan at lungsod sa Bulacan ay patuloy na nakararanas ng pagbaha. Nakaranas din ng landslide ang bulubunduking bayan ng Doña Remedios Trinidad dahil sa halos dalawang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan.

Umabot sa 960,821 residente o 275,000 pamilya ang direktang naapektuhan. Mahigit P130 milyon naman ang pinsala sa agrikultura, kabilang ang palay, gulay, palaisdaan, livestock at poultry.

Ayon sa mga awtoridad, pinalala ang pagbaha ng high tide sa Manila Bay, flash floods mula sa Bulacan at Rizal, backflow mula Pampanga, at paglabas ng tubig mula sa mga dam.

Sinabi ni Gov. Daniel Fernando na hindi sapat ang regular na pondo ng lalawigan para matulungan ang lahat ng naapektuhan kaya kinakailangan ang state of calamity upang makakuha ng karagdagang pondo at tulong. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here