Home NATIONWIDE Magulang ‘di dapat sisihin sa online safety ng mga bata – Game...

Magulang ‘di dapat sisihin sa online safety ng mga bata – Game developers

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Game Developers Association of the Philippines (GDAP) na huwag sisihin ang mga magulang sa mga problema sa online safety ng mga bata, ngunit kailangan silang mas mabigyan ng impormasyon tungkol sa mga parental controls na mayroon sa mga gadget at online platforms.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women and Children na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi ni GDAP President Ria Lu na maraming magulang ang maaaring hindi alam ang mga safety feature na available sa kanilang mga cellphone at online platforms.

Ayon kay Lu, kahit responsableng magulang ay maaaring hindi sinasadyang ma-expose ang mga bata sa hindi angkop na content kapag ginagamit nila ang cellphone ng kanilang magulang na walang naka-activate na parental controls.

“I don’t blame parents for that kasi hindi naman natin naiisip yun. We don’t realize that,” ani Lu.

Dahil dito, iminungkahi niyang gawing prayoridad ang pagbibigay-edukasyon sa mga magulang kung paano gamitin ang mga safety tools. Hindi kailangang maging technology expert ang mga magulang, ngunit mahalagang alam nila kung paano protektahan ang kanilang mga anak online.

Iminungkahi rin ni Lu na magkaroon ng digital literacy classes sa elementarya at high school upang matutunan ng mga bata kung paano ligtas at responsableng gumamit ng internet.

Ayon sa kanya, dapat turuan ang mga bata na maging responsableng “digital citizens” na marunong protektahan ang kanilang sarili online, umiwas sa masasamang impluwensya at hindi maging mapanakit sa iba.

Giit ng GDAP, kailangang sabay na turuan ang mga magulang tungkol sa parental controls at ihanda ang mga bata sa ligtas at responsableng paggamit ng digital world. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here