CAVITE, Philippines – Isang 74-anyos na dayuhang na nagtatago sa batas ang arestado makaraang masukol ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa isinagawang enforcement operation sa Tanza, Cavite.
Sa report ng hepe BI Fugitive Seach Unit na si Rendel Sy, isinagawa ang operasyon matapos humingi ng tulong at paghahanap at pag-aresto sa nasabing dayuhan.
Base sa mga rekord, may nag aabang na warrant of arrest laban sa suspek na inilabas noong Abril 10, 2026.
Nakasaad sa ang warrant ang umano’y paglabag nito sa mga kundisyong ipinataw sa kanyang supervised release.
Nabatid din na ang mga pangunahing kasong kinakaharap ng suspek ay may kaugnayan sa maramihang bilang ng criminal sexual conduct.
Ayon pa sa BI records, dumating ang 74-anyos sa Pilipinas noong Abril 1, 2026 at pinayagang makapasok bilang temporary visitor.
Ang kanyang visa extension ay nakatakdang bisa hanggang Setyembre 30, 2026.
Matapos ang isinagawang booking at documentation, nakatakdang ilipat ang suspek sa BI Warden’s Facility, habang inihahanda ang kaukulang proseso kaugnay ng kanyang pagkakaaresto. MARGIE BAUTISTA