Home METRO Mabilis na pagbabalik ng Telcos sa signal sa gitna ng pag-ulan, pinuri...

Mabilis na pagbabalik ng Telcos sa signal sa gitna ng pag-ulan, pinuri ng DICT

1
0

MANILA, Philippines – Pinuri ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga telecommunications company sa kanilang mabilis na pagpapanumbalik ng communication services sa mga lugar na naapektuhan ng malalakas na ulan dulot ng Habagat.

Kinilala ng DICT ang Converge, PLDT-Smart, Globe, at DITO dahil sa kanilang agarang pagkilos at tuloy-tuloy na restoration efforts matapos ang masamang panahon.

Ayon sa ahensya, mahalaga ang mabilis na pagbabalik ng signal upang matiyak ang tuloy-tuloy na komunikasyon ng mga mamamayan, alinsunod sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihing konektado ang publiko sa panahon ng kalamidad.

Sinabi rin ng DICT na naging matagumpay ang koordinasyon sa ilalim ng Digital Bayanihan, isang inisyatiba ng pamahalaan at pribadong sektor na naglalayong mapanatili ang connectivity at maihatid ang mahahalagang serbisyo sa mga Pilipino sa oras ng sakuna.

“Maraming salamat sa ating telcos sa pakikipagtulungan para mapanatiling konektado ang bawat Pilipino. Sama-sama nating isulong ang isang mas matatag, resilient at konektadong Bagong Pilipinas,” pahayag ng DICT.

Tiniyak din ng ahensya na patuloy itong makikipagtulungan sa mga telco upang mapanatiling maaasahan ang communication services sa panahon ng mga kalamidad. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here