Home HOME BANNER STORY Neneng humina, LPA na lamang; Saudel, isa pang LPA minomonitor ng PAGASA

Neneng humina, LPA na lamang; Saudel, isa pang LPA minomonitor ng PAGASA

1
0

MANILA, Philippines – Humina na at naging low-pressure area (LPA) ang Tropical Depression Neneng, ayon sa PAGASA nitong Huwebes.

Ang dating Neneng ay nasa 450 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes.

Samantala, may isa pang LPA na nabuo sa loob ng Tropical Cyclone Information Domain, ngunit nasa labas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Matatagpuan ito sa 1,725 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.

Patuloy din namang minomonitor ng PAGASA ang Tropical Storm Saudel, na nasa labas pa ng PAR. Bandang alas-4 ng hapon, nasa 2,745 kilometro silangan ng Eastern Visayas ang Saudel, na may maximum sustained winds na 75 km/h at kumikilos pahilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na Habagat pa rin ang pangunahing dahilan ng malawakang pag-ulan sa bansa.

Inaasahang makulimlim at maulan sa Ilocos Region, Batanes, Cagayan at Apayao, habang magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan at pag-ulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here