Home NATIONWIDE 1 patay, 2 iba sugatan sa suwagan ng dalawang motorsiklo

1 patay, 2 iba sugatan sa suwagan ng dalawang motorsiklo

1
0

ILOCOS SUR- Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 28-anyos na lalaki samantalang dalawang iba pa ang nasa ospital ngayon dahil sa nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa national highway sa Brgy. Becques, Tagudin ng lalawigang ito nitong Agosto 21 ng gabi.

Ayon sa Tagudin MPS, ang nasawi ay ang driver ng kulay pulang Rusi 155 motorcycle na residente ng Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Ang dalawang sugatan naman ay ang 26-anyos na lalaki na residente rin ng Sta. Cruz, Ilocos Sur na angkas ng Rusi 155 motorcycle at ang 28-anyos na driver ng YTX 125 motorcycle na residente ng Tagudin, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, ang dalawang motorsiklo ay bumibiyahe sa magkabilaang direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, bigla na lang nagkasalubong ang dalawang motorsiklo na nagresulta sa kanilang banggaan.

Mabilis na isinugod sa ospital ang driver ng Rusi 155 motorcycle at angkas nito pati na rin ang driver ng YTX 125 motorcycle.

Gayunman, ang driver ng Rusi 155 motorcycle ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here