MANILA, Philippines – Isang 18-anyos na estudyante ang naaresto makaraang makita ng mismong may-ari ng motorsiklo na gamit nito sa Brgy Tres Cruses, Tanza, Cavite.
Ayon sa report ng pulisya, kinilala ang nadakip na si slyas MJ, 18, residente ng Gen Trias City, Cavite.
Sa ibinigay na salaysay ng may-ari na nakakita sa motorsiklo na si Jeferson, kasalukuyan silang nagkakape ng kanyang live-in partner sa Food Park Bizarre sa Brgy. Tres Cruses ng nasabing lugar nang namataan nila ang isang motorsiklong nakaparada na tila kamukha ng motorsiklo nilang nawawala pa noong Hulyo 15, 2026.
Kaagad na nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay na nakakasakop sa lugar ang biktima para ireport sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Sa isinagawang imbestigasyon, na-modify na ng suspek ang nasabing motorsiklo at wala ring itong naipakitang mga dokumento na ipaghaharap ng kasong Anti Fencing Law dahil sa reklamo ng biktimang si alyas Jeferson. MARGIE BAUTISTA