Home NATIONWIDE Pagkukumpuni sa mga nasirang imprastruktura sa Baguio pinamamadali ng DPWH

Pagkukumpuni sa mga nasirang imprastruktura sa Baguio pinamamadali ng DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Pinapabilis ng Department of Public Works and Highway (DPWH) ang pag-aayos ng mga imprastrukturang napinsala ng mga kamakailang pagguho ng lupa sa Baguio City at sa lalawigan ng Benguet.

Tinataya ng ahensya na aabot sa P3 bilyon ang gastos sa pinsala at kinakailangang pag-aayos.

Sa ulat, siniyasat ni DPWH Secretary Vince Dizon ang ilang lugar sa Benguet na tinamaan ng landslide, kabilang ang bahagi ng kalsada sa Barangay Beckel, La Trinidad na hindi na madaanan ng mga motorista.

Ginagamit ang kalsadang ito bilang daanan mula Benguet patungong Nueva Vizcaya, kaya malaking problema ang pinsala para sa mga motorista at komunidad na dumadaan dito.

Kasama ni Dizon sa pag-inspeksyon sina Benguet Governor Melchor Daguines Diclas at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sinabi niya na ang pag-aayos at pagtatayo ng mas matibay na slope protection system ay maaaring umabot ng 10 buwan.

Bahagi ang inspeksyon ng pagsisikap ng gobyerno para tasahin ang pinsalang dulot ng mga kamakailang pagguho ng lupa at pagbaha na sanhi ng mga pag-ulan ng habagat nitong mga nakaraang araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here