Home NATIONWIDE Advincula nanawagan ng safe space sa pinagdadaanan ng mga kabataan

Advincula nanawagan ng safe space sa pinagdadaanan ng mga kabataan

1
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng nakamamatay na pamamaril sa paaralan sa Ateneo de Zamboanga, nanawagan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa publiko na gumawa ng mga ligtas na lugar para sa mga tahimik na pinagdaraanan ng mga kabataan.

Sa kanyang mensahe nitong Biyernes, Agosto 21, nakiisa si Cardinal Advincula sa mga pamilya at biktima ng pamamaril sa paaralan sa Zamboanga City noong Agosto 18 na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang mga karahasan sa paaralan ay hindi lang nasasaktan nang pisikal ang mga indibidwal, kundi nasasaktan din nito ang pakiramdam ng kaligtasan at tiwala sa mga paaralan.

Nanawagan ang Arsobispo ng Maynila sa publiko na tumulong sa pagbuo ng mga lugar para sa kabataan kung saan maaari silang maging bukas at totoo, lalo na tungkol sa mga pinagdaraanan na karaniwan nilang inililihim.

Hinikayat din ni Cardinal Advincula ang mga tao na lumapit sa panalangin, at idinagdag na ang panalangin ay dapat ding magbunga ng nagkakaisang aksyon para palakasin ang kultura ng malasakit, habag, diyalogo, at paggabay.

Bilang pakikiisa, inialay niya ang kanyang mga panalangin para sa paggaling at kaaliwan ng komunidad ng Ateneo de Zamboanga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here