Home METRO P1.4M ismagel yosi nasabat sa Maguindanao del Norte

P1.4M ismagel yosi nasabat sa Maguindanao del Norte

1
0
Image Representation Only

MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang P1.37 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo sa Matanog, Maguindanao del Norte noong Biyernes, Agosto 21. Tatlong driver ang naaresto.

Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (BAR) Director Brig. Gen. Christopher Abecia, nasamsam din ang tatlong sasakyan na ginamit umano sa pagbiyahe ng kontrabando.

Naganap ang operasyon bandang 9:42 p.m. sa isang joint checkpoint sa Barangay Bugasan. Tatlong driver ang unang nagtangkang umiwas sa checkpoint ngunit kalaunan ay naharang.

Nakita ng mga pulis ang ilang master case ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa loob ng mga sasakyan. Nabigo rin umano ang mga driver na magpakita ng valid na dokumento para sa pagdadala at pagmamay-ari ng mga kargamento.

Kabuuang P1,369,600 ang tinatayang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo.

Dinala at ikinulong ang tatlong driver sa Matanog Police Station habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Pinuri ni Abecia ang mga pulis at kanilang mga katuwang dahil sa mabilis na koordinasyon at matagumpay na pagkakasabat sa umano’y smuggled na produkto. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here