Home NATIONWIDE Higit P1.1M nakumpiskang sigarilyo, winasak ng BOC

Higit P1.1M nakumpiskang sigarilyo, winasak ng BOC

1
0

MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit ₱1.1 milyon ang halaga ng mga nakumpiskang sigarilyo na tuluyang winasak ng Bureau of Customs (BOC)–Port of Surigao.

Nabatid sa BOC na umabot sa 2,690 ream ng assorted cigarettes ang isinailalim sa destruction procedure upang matiyak na hindi na muling maibebenta o maipasok sa merkado.

Isinagawa ang pagsira sa mga sigarilyo noong Agosto 12, 2026, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng ahensya laban sa smuggling at paglaganap ng ilegal na produktong tabako.

Ayon sa BOC, nasa kabuuang ₱1,149,900 ang halaga ng mga nasabing produkto na naunang isinuko sa BOC para sa wastong disposisyon.

Saklaw ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) ang mga sigarilyo at tuluyang na-forfeit noong Nobyembre 20, 2025 at Marso 9, 2026.

Napatunayang lumabag ang mga ito sa Section 1401, kaugnay ng Sections 1113(f) at (l-1 & 5) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Matapos ang proseso ng pagsira, ang mga labi ng mga sigarilyo ay itinapon sa isang accredited sanitary landfill alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon sa disposisyon ng mga nakumpiska at forfeited na produkto.

Ayon sa BOC, layunin ng naturang hakbang na matiyak na hindi na makararating sa lehitimong pamilihan ang mga ilegal na produktong tabako, habang napoprotektahan ang kita ng pamahalaan at patas na kompetisyon sa mga lehitimong negosyo.

Ang pagsira sa mga kontrabando ay alinsunod sa direktiba ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno na paigtingin ang border protection, kampanya laban sa illicit trade at tiyaking maayos at transparent ang disposisyon ng mga nakumpiska at forfeited na produkto. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here