Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pamamahagi ng libreng customized rubber shoes at P.E. uniforms sa 13,000 K–12 public school students noong Agosto 17, 2026, sa Makabagong San Juan Theater.
Bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaang lungsod na suportahan ang edukasyon at kapakanan ng mga kabataang San Juaneño.
Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga pamilya at matiyak na may sapat na gamit ang mga estudyante upang mas makapagpokus sila sa kanilang pag-aaral. DANNY QUERUBIN