Home ENTERTAINMENT Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry!

Matet, naging rason ng traffic, nag-sorry!

3
0

Manila, Philippines — Isang apologetic Matet de Leon ang nag-sorry sa Facebook sa mga motorista dahil sa kinasangkutang pangyayari sa EDSA.

Sangkot kasi ang kanyang sasakyan at isang bus na nakasagi sa kanila habang lulan ang kanyang pamilya.

Lumikha kasi ito ng traffic na nakaabala sa kahabaan ng nasabing highway.

Nakahinto raw ang sasakyan ng aktres nang masagi sa kanto, pero pinalampas na lang daw niya ito so as not to cause inconvenience.

Pero aminado si Matet na napikon siya.

Nag-iwan lang siya ng paalala sa bus driver na maging mas maingat sa susunod: “Baka next time, makadisgrasya ka na talaga.”

Inamin naman ni Matet na hindi siya naging mapagtimpi sa driver.

She was admittedly angry, worried for her family: “Hindi ako naging mabait sa kanya… malala ang galit ko!”

Aniya, normal lang daw na hindi siya nakapagtimpi dahil inaalala niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

At para hindi na rin maabala ang mga tao sa daan, lalo’t oras na ng uwian, ay pinalampas na lang niya ang atraso ng bus driver, although napagsalitaan niya ito nang bonggang-bongga.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here