Home SPORTS LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers

LeBron napapaligiran ng higante sa Sixers

2
0

Pinalagda ng kontrata ng Philadelphia 76ers sina Tacko Fall, Jameer Nelson Jr. at Saint Thomas para sa kanilang training camp at para makatuwang ni LeBron James.
Lahat ng tatlo ay nasa Exhibit 10 contracts at inaasahang sasabak sa training camp ng koponan sa Camden, New Jersey.

Si Fall ay may taas na 7-foot-6 at huling naglaro sa NBA noong 2021-22 season para sa Cleveland Cavaliers.

Bago nito, naging kakampi niya sa Boston Celtics si bagong Sixers star Jaylen Brown mula 2019 hanggang 2021.

Huli namang naglaro si Fall para sa Ningbo Rockets sa Chinese Basketball Association.

Samantala, nag-average si Nelson ng 18.9 points, habang si Thomas ay nagtala ng 12.5 points, 5 rebounds at 3.7 assists sa G League noong nakaraang season.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here