Home METRO 400 MPD personnel, idineploy sa 2 Bar examination sites; Yorme Isko, Dir....

400 MPD personnel, idineploy sa 2 Bar examination sites; Yorme Isko, Dir. Santiago, nagsagawa ng joint inspection sa UST 

1
0

MANILA, Philippines – Nagdeploy ng 400 personnel ang Manila Police District (MPD) para sigurihin ang seguridad sa dalawang testing sites sa Maynila.

Ayon kay MPD Director PBGen. Atty. Arnold Santiago sa kanilang joint inspection ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso sa kaninang madaling araw, Setyembre 6, sa University of Santo Tomas o UST, ito ay upang tiyaking maayos ang pagsasagawa ng Bar Examination.

Aniya, meron kasalukuyang 180 personnel sa paligid ng UST kung saan may dalawang gate sa P.Noval at Lacson.

Samantala, 168 personnel naman ang naka-deploy sa testing site ng San Beda University, na ang mga itinakdang drop-off point ay sa Concepcion Aguila at J.P. Laurel Streets.

Bukod sa mga personnel ng MPD, nagdeploy din ng emergency responders ang  Manila Disaster Risk Reduction and Management Department o MCDRRMD at mga  tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng mga testing site.

Nauna nang nagsagawa ng declogging operations ang Department of Engineering and Public Works o DEPW sa mga kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga kukuha ng pagsusulit gayundin ang kanilang mga supporters na magtutungo sa mga testing centers.

Inaasahang aabot sa 13,441 examinees ang sasabak sa 2026 Bar Examinations.

Ayon naman kay Domagoso, lahat ng available resources ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay gagamitin para suportahan ang pagsasagawa ng Bar Examination ngayon taon. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here