MANILA, Philippines – Walang records sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pangalan na Mary Grace Piattos, na tumanggap ng ayuda mula sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP), ayon sa statistician ng ahensiya.
Base sa acknowledgement receipts ng ibinigay ng OVP sa Commission on Audit upang patunayan ang paggamit ng CFs, tumanggap si Piattos ng P70,000 bilang rewards.
Sa naganap na impeachment proceedings, ayon ay PSA Assistant National Statistician Marizza Grande walang a pangalan na Piattos sa records of birth, marriage or death.
“Based sa aming CRS database, wala pong nagngangalang Mary Grace Piattos sa amin pong record,” ayon ay Grande.
Bukod kay Piattos, ilang pang tumanggap ng confidential funds ni Duterte ang walang records sa PSA.
“Out of the 1,992 na listahan ng OVP list of payees, ay nakita natin na 1,287 ay walang record of birth, walang record of marriage o walang record of death na nasa database,” ayon kay Grande.
Idinagdag pa nia na 1,322 ang walang live birth certificates, 1,456 walang records ng kasala at 1,593 walang death certificates.
Ganito din ang natuklasan sa mga pangalan na tumanggap ng confidential funds ni Duterte sa Department of Education bilang secretary.
“Doon sa 677 listahan ng DepEd payees, out of the 677 po nakita namin na 398 po dito ay walang record ng kapanganakan, kasal o kamatayan,” ayon kay Grande.
“About 405 of the 677 have no live birth certificates, 443 have no marriage certificates, while 507 have no death certificates,” ayon kay Grande. Ernie Reyes