Home NATIONWIDE 2 laglag sa P3.5M produktong petrolyo sa Marinduque

2 laglag sa P3.5M produktong petrolyo sa Marinduque

2
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang dalawang suspek kasabay ng pagkakakumpiska sa P3.54 milyong halaga ng produktong petrolyo at transport equipment sa operasyon sa Gasan, Marinduque, nitong Martes, Setyembre 8.

Ang mga suspek ay naaresto sa Barangay Bachao Ibaba matapos mahuling nagbebenta at naglalabas ng mga produktong petrolyo gamit ang tanker na wala umanong kaukulang authority at permit mula sa Department of Energy (DOE), ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at MIMAROPA police.

Nasamsam sa operasyon ang nasa 19,800 litro ng produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P1.734 milyon, na binubuo ng 12,000 litro ng premium gasoline, 6,000 litro ng diesel, at 1,800 litro ng unleaded gasoline.

Nakumpiska ng pulisya ang blue-and-white 10-wheeler tank lorry na nagkakahalaga ng P1.805 milyon, isang black suction hose, at official receipt at certificate of registration ng sasakyan, at delivery receipt.

Ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang petrolyo at kagamitan ay nasa P3.538 milyon.

Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Section 2 (a), in relation to Section 3 (h), ng Batas Pambansa Blg. 33, na inamyendahan ng Presidential Decree No. 1865. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here