Home TOP STORIES Yamsuan sa DOH: Magtakda ng malinaw na singil sa professional fee ng...

Yamsuan sa DOH: Magtakda ng malinaw na singil sa professional fee ng mga doktor sa MAIFIP

56
0

MANILA, Philippines — Nanawagan si Parañaque 2nd District Rep. Brian Yamsuan sa Department of Health (DOH) na magtakda ng malinaw na pamantayan at mas mahigpit na transparency measures sa professional fees ng mga doktor na binabayaran sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.

Ginawa ni Yamsuan ang panawagan sa budget hearing ng House Committee on Appropriations matapos ilutang ng ilang mambabatas ang mga reklamo na may mga doktor umanong nagtataas ng singil kapag nalalamang sasagutin ng MAIFIP ang kanilang professional fees.

“Kailangan natin tingnan ang transparency and accountability rin ng mga doctors. Kailangan mag-set up [ang DOH] ng mekanismo para to make sure na yung mga kababayan natin hindi malagay sa alanganin,” ani Yamsuan.

Ang MAIFIP ay programang pinangangasiwaan ng DOH para tulungan ang mga pasyenteng kapos sa pinansyal na pambayad sa medical expenses na hindi nasasaklaw ng PhilHealth benefits at iba pang available funding sources.

Ayon kay Health Secretary Edwin Mercado, may tatlong hakbang nang isinasagawa ang DOH at PhilHealth upang maiwasan ang hindi makatwirang pagtaas ng professional fees.

Kabilang dito ang pagpapabilis sa reimbursement ng PhilHealth sa mga doktor, pagbuo ng Single Source of Truth database upang masubaybayan ang consistency ng kanilang professional fees, at konsultasyon sa mga medical specialty societies para makabuo ng mas malinaw na standards.

Sinabi ni Yamsuan na mahalagang mabantayan ang singil dahil pondo ng gobyerno at taxpayers ang ginagamit sa MAIFIP.

Tiniyak din niyang handang tumulong ang Kongreso sa paglalaan ng kinakailangang resources para sa mga mekanismong magpapalakas sa transparency at pagpapatupad ng medical assistance programs para sa mahihirap na pasyente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here