Home NATIONWIDE US, Japan, muling nagpaabot ng suporta sa economic agenda ng administrasyong PBBM

US, Japan, muling nagpaabot ng suporta sa economic agenda ng administrasyong PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Muling nagpahayag ng suporta ang mga opisyal ng Estados Unidos at Japan sa economic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., partikular sa pagpapalakas ng pamumuhunan at imprastraktura sa ilalim ng Luzon Economic Corridor (LEC).

Sa LEC Investment Forum na ginanap sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City, Taguig, sinabi ni United States Trade and Development Agency Deputy Director at Chief Operating Officer Thomas Hardy na mahalagang maisalin ang plano ng LEC sa mga konkretong proyekto at pamumuhunan.

“The Luzon Economic Corridor is just at that point today. But its greatest potential lies ahead,” ani Hardy.

Binigyang-diin ni Hardy ang kahalagahan ng “careful planning, strong partnerships, and investment that can turn opportunities into lasting results.”

Sinabi rin ni Hardy na makatutulong ang LEC sa pagpapalakas ng supply chains at economic security, dahil “what’s good for the Philippines is good for all of us.”

Samantala, sinabi ni United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton na nananatiling matatag ang alyansa ng dalawang bansa.

“The United States alliance with the Philippines remains ironclad, ” pagtitiyak ni Lipton.

Ayon kay Lipton, makatutulong ang LEC sa paglikha ng mas maraming pamumuhunan, imprastraktura at trabaho sa Subic, Clark, Manila at Batangas, kabilang ang mga industriya tulad ng semiconductors, artificial intelligence at trusted technologies.

“The United States is all in, sir. The United States is all in,”ani Lipton.

Ito ang mensahe ni Lipton kay Pangulong Marcos bilang pagpapakita ng suporta sa proyekto.

Mula naman sa Japan, sinabi ni Chargé d’Affaires ad interim Ono Sho na ang LEC ay isang “pivotal initiative to accelerate the Philippines’ economic growth and connectivity and to unlock the immense potential of this region.”

Binigyang-diin din ni Ono ang suporta ng Japan sa pagpapaunlad ng mga kasalukuyang negosyo at sa paghikayat ng karagdagang pamumuhunan.

Sinabi ni Ono na patuloy na susuportahan ng Japan ang mga de-kalidad, matatag at sustainable na proyektong imprastraktura at ipinahayag ang buong suporta sa “Build Better, More agenda” ni Pangulong Marcos.

“We fully support President Marcos’ Build Better, More agenda,” ayon kay Ono.

Dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan, investors, developers at business leaders mula sa Pilipinas, Estados Unidos, Japan at iba pang bansa ang forum upang talakayin ang mga oportunidad sa pamumuhunan at pakikipagtulungan para sa pagpapaunlad ng Luzon Economic Corridor. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here