Inihain ni Senador Mark Villar ang "Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act" upang bigyam ang mga kwalipikadong mag-aaral ng hanggang ₱30,000 na subsidy sa gadget, internet allowance, at access sa AI tools. Layunin ng panukalang ito na punan ang kakulangan sa teknolohiya at matiyak na ang bawat kabataang Pilipino ay handa para sa kinabukasan.
MANILA, Philippines – Nanawagan si Sen. Mark Villar na ituring ang mental health concerns na kasinghalaga at kagyat ng physical illnesses, lalo na sa lumalaking bilang ng kabataang nahaharap sa mental health struggles.
“Our people deserve a healthcare system that treats mental health with the same urgency, respect, and dignity as physical health. The numbers are deeply concerning,” ani Villar.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, 3,379 katao ang namatay dahil sa intentional self-harm noong 2024, mas mataas sa 3,133 noong 2023. Samantala, halos 2,000 suicide cases ang naitala ng PNP mula Enero hanggang Hunyo 2025.
Sa Metro Manila, 111 suicide cases ang naitala sa unang tatlong buwan ng 2026, mas mataas ng 236% kumpara sa 33 kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Binanggit din ni Villar na 409 lamang ang accredited psychiatrists sa bansa, at higit kalahati sa mga ito ay nasa Metro Manila. Katumbas ito ng 0.38 psychiatrist kada 100,000 Pilipino, mas mababa sa 10 kada 100,000 na minimum na rekomendasyon ng WHO.
“But Mr. President, how can we expect Filipinos to seek help when help itself remains difficult to access?” ani Villar.
Nanawagan siya ng dagdag na mental health facilities at professionals, gayundin ng mga hakbang para alisin ang stigma na pumipigil sa mga taong humingi ng tulong.
“It is high time to stop romanticizing resilience when what our people need is support. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong. Hindi ito pag-iinarte. At lalong hindi ito dapat ikahiya,” dagdag niya.
Hinimok din ni Villar ang pamilya at komunidad na gawing bukas at walang paghuhusga ang usapin tungkol sa mental health.
“Self-harm and mental health-related deaths are not merely statistics. Behind every number is a person—a friend, a family member, a colleague, or a schoolmate. There are lives and stories behind every figure we present in this Chamber,” aniya.
Sa deliberasyon ng 2027 national budget, hiniling ni Villar na maglaan ng sapat na pondo para sa pagpapatupad ng mental health laws at pagpapalakas ng mental healthcare system.
Kabilang sa kanyang mga panukala ang Student Guidance Counseling Act, One Registered Nurse in Every Barangay, Anti-Workplace Bullying Act at Youth Suicide Prevention Act.
“As we observe the Suicide Prevention Month, let us honor those we have lost not only with words, but with meaningful action. May their lives strengthen our resolve to act and to legislate with compassion, urgency, and purpose, in service of every Filipino,” ani Villar. RNT/MDS