Home NATIONWIDE Higit 15K parak ipakakalat sa anibersaryo ng Martial Law

Higit 15K parak ipakakalat sa anibersaryo ng Martial Law

2
0

MANILA, Philippines – Inaasahang ipakakalat ang nasa 15,227 pulis bilang paghahanda para sa paparating na ika-54 anibersaryo ng Martial Law.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo, ang full deployment ay ipinatupad nitong Sabado ng gabi hindi lamang ng mga pulis mula sa NCRPO kundi maging ng mga pulis mula sa ibang rehiyon.

“Meron po tayo dito sa mga monitored areas natin, ‘yung mga significant po gaya ng Ayala Bridge, Mendiola, C.M. Recto sa Maynila, siyempre ‘yung ating People Power Monument, ang EDSA Shrine, gano’n din po sa Luneta ay lalagyan natin,” ani Asilo.

Ang mga lugar na ito ay ang primary convergence zones para sa mobilisasyon batay sa mga kaganapan sa mga nagdaang taon.

Hanggang nitong Sabado, sinabi ni Asilo na wala pang grupo ang nakakakuha ng anumang rally permit.

“Since wala pong nag-secure ng permit mula po sa mga grupo na posibleng mag-conduct, nagbe-base po tayo… doon po sa information na naga-gather po ng ating intel units,” sinabi pa niya.

“Bilang paghahanda po, bukod po doon sa ating ginawang koordinasyon sa iba’t ibang agencies po natin nagmo-monitor po tayo sa ating mga social media posts para po sa mga posibleng mobilization nu’ng mga grupo na hindi po usually sumasama sa mga pagtitipon, or ‘yung mga grupo na hindi natin kilala na maaari pong mag-cause ng gulo,” dagdag pa ni Asilo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here