Home NATIONWIDE Comprehensive School Safety Framework vs karahasan sa paaralan, ikinasa ni Gatchalian

Comprehensive School Safety Framework vs karahasan sa paaralan, ikinasa ni Gatchalian

2
0

MANILA, Philippines – Dahil sa sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan sa bansa, itinutulak ni Senate President Sherwin Gatchalian ang pagpasa ng Comprehensive School Safety Act (Senate Bill No. 1110) na naglalayong bumuo ng National Comprehensive School Safety Framework. Ang pinakahuling insidente ay naganap sa Banga National High School sa South Cotabato.

Pangungunahan ng Department of Education (DepEd), kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga local government unit (LGU), ang pagbuo, pagpapatupad, at regular na pag-update ng framework.

Magtatakda ito ng mga pamantayan para sa pag-iwas, pagtugon, at pagbangon mula sa mga banta at insidenteng may kinalaman sa kaligtasan sa paaralan.

Sa ilalim ng panukala, kailangang gumawa at mag-update taun-taon ang bawat paaralan ng School Safety Plan upang maiangkop at maisakatuparan ang school safety framework batay sa kanilang lokal na sitwasyon.

Kailangan din nilang maghanda at regular na mag-update ng School Safety Handbook na naglalaman ng mga polisiya, proseso, emergency information, at mga serbisyong suporta para sa mga mag-aaral.

Kasama rin sa School Safety Handbook ang School Code of Conduct na malinaw na magtatakda ng mga hindi katanggap-tanggap na gawain, pati na ang kaukulang disciplinary at restorative interventions.

“Hindi sapat ang reactive response. Kailangan nating maging proactive—kilalanin ang mga banta, pigilan ang insidente bago mangyari, at tiyaking ligtas ang bawat paaralan,” ani Gatchalian, co-author at co-sponsor ng panukala. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here