Home METRO BulSU studes nag-campus walkout sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law

BulSU studes nag-campus walkout sa ika-54 anibersaryo ng Martial Law

1
0
📷 Shakira de Leon at Jania Isabelle Balmediano/The Mentors' Journal

BULACAN — Nagsagawa ng campus walkout ang mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU) nitong Lunes, Setyembre 21, kasabay ng ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Bago ang pagkilos, ilang estudyanteng nakasuot ng itim ang hinarang umano ng mga guwardiya sa mga gate ng unibersidad, ayon sa ulat ng Pacesetter, ang official student publication ng BulSU.

Batay sa post ng Pacesetter, sinabi umano ng mga guwardiya na nagmula sa administrasyon ang direktibang higpitan ang pagpasok upang maiwasang makapasok ang mga “outsider” sa campus, kahit may suot na ID ang mga estudyante.

Dahil dito, humaba umano ang pila sa main gate hanggang Xentromall habang namimigay ng dress code slips ang mga guwardiya. May ilang estudyante rin umanong hindi pinapasok sa ibang gate.

Hinikayat ang mga estudyante na magsuot ng itim bilang pakikiisa sa campus walkout at paggunita sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law noong 1972.

Pinabulaanan naman ni BulSU President Teody San Andres na nagmula sa kanyang administrasyon ang direktibang harangin ang mga estudyanteng nakasuot ng itim.

Ayon kay San Andres, naghigpit lamang sila sa seguridad dahil sa mga insidente ng pamamaril at bomb threats sa labas ng campus.

Nilinaw din niyang malayang magsuot ng itim ang mga estudyante.

Kalaunan ay itinuloy ng mga estudyante ang campus walkout sa loob ng unibersidad.

Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here