THE HAGUE – Masaya si Vice President Sara Duterte na nakita ng International Criminal Court (ICC) judges ang pisikal na kalagayan ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling procedural hearing sa mga reklamong crimes against humanity laban sa kanya.
Personal kasing humarap si Duterte sa kauna-unahang pagkakataon sa ikatlong status conference ng ICC Trial Chamber III noong nakaraang linggo.
“I am glad that a status conference was held and the judges finally saw the state of PRD. You can see that he is of advanced age, and hopefully, they can discuss the state of his health,” sinabi ng Bise Presidente.
Bago ang pagharap noong Miyerkules, huling nakita si Duterte sa korte noong Marso 14, 2025 sa pretrial proceedings sa pamamagitan ng video conference.
Nahaharap si Duterte sa three counts ng crimes against humanity sa mga pagpatay dahil sa madugong war on drugs ng kanyang administrasyon. RNT/JGC