CEBU, Philippines – Hinigpitan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang pagpapatupad ng International Safety Management (ISM) Code sa Cebu para matiyak ang ligtas na operasyon ng mga barko.
Ayon kay MARINA Region VII Director Engr. Ronaldo Bandalaria, mahalaga ang ISM Code sa maayos na koordinasyon ng crew at shore-based personnel at pagbuo ng safety culture sa shipping industry.
Isinagawa rin ang ISM Code Training sa Cebu para palawakin ang kaalaman ng maritime stakeholders sa safety management, ISM certification, ship audit process at pagtugon sa operational issues.
Hinimok naman ni Philippine Coastwise Shipping Association OIC-Administrator Cesar A. Licudine ang mga dumalo na ibahagi sa kanilang mga organisasyon ang mga natutunan sa training.
Layunin ng MARINA na mapataas ang pagsunod sa safety standards at mapalakas ang koordinasyon, komunikasyon at responsableng pagpapatakbo sa maritime sector. Jocelyn Tabangcura-Domenden