Home HOME BANNER STORY Romualdez, wala pang isinusumiteng petisyon para sa bail

Romualdez, wala pang isinusumiteng petisyon para sa bail

3
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring isinumiteng petition for bail si Leyte Rep. Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division, ayon sa anti-graft court nitong Huwebes.

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division, wala pa silang natatanggap na petition mula sa kampo ni Romualdez, na naunang nagsabing maghahain ito.

Nakadetine ngayon si Romualdez sa Quezon City Jail dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y P7.4-bilyong kickback scheme sa mga proyekto ng gobyerno.

Nakatakda sa Biyernes ang pre-trial ng kaso. Sa arraignment na isinagawa via teleconference, nagpasok si Romualdez ng plea na not guilty.

Naaresto ang mambabatas sa isang pribadong ospital sa San Juan City kung saan siya na-admit dahil sa ilang karamdaman. Matapos ang independent medical examination sa Philippine General Hospital (PGH), sinabi ng medical director na clinically stable siya at hindi na kailangang manatili sa ospital.

Dahil dito, inilipat si Romualdez sa Quezon City Jail.

Kasama rin sa parehong kasong plunder sina dating congressman Zaldy Co at dalawa pang akusado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here