Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa yellow alert

Visayas grid isinailalim sa yellow alert

1
0

MANILA, Philippines – Isinailalim sa yellow alert ang Visayas grid nitong Biyernes, Setyembre 25 dahil sa mababang kapasidad ng tatlong major coal-fired power plants sa Visayas.

Ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), isinailalim sa yellow alert ang grid mula alas-4 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Ang available capacity ng grid ay nasa 2,565 megawatts (MW), na kulang para matugunan ang contingency requirements dahil ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,456 MW.

Ito ay dahil nananatili sa forced outage ang Unit 1 ng Therma Visayas, Inc. (TVI), Unit 3 ng Panay Energy Development Corp. (PEDC), at Unit 2 ng KEPCO SPC Power Corp. (KSPC).

Sinabi ng NGCP na 12 power plants ang nananatiling unavailable ngayong Setyembre, habang 20 iba pa ang nasa forced outage mula noong 2021.

Idinagdag pa na 17 planta naman ang nag-ooperate sa derated capacities dahilan para umakyat ang total capacity loss sa 926.6 MW.

Ang yellow alert ay inilalabas kapag ang kapasidad ng grid ay kulang sa contingency requirements nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here