Manila, Philippines – Temporary pinchhitter lang si Michael V kay Dingdong Dantes habang nakapokus ito sa kanyang teleserye.
Entonces, babalik din ang Primetime King sa pagho-host ng Family Feud.
Tuloy, hindi maiiwasang pagsabungin sina Dong at Bitoy–lalo na sa usapin as to who’s the
better host.
Iko-quote lang namin ang mga comments ng netizens–na kung titimbangin ay pantay lang ang bilang ng mga may gusto sa dalawa.
“Medyo awkward mag-host si Dingdong, to be honest,” sey ng isa unlike Bitoy daw na mas natural at kayang makipagsabayan sa mga jokes.
“Bitoy is really the best option para magkaroon ng comedic vibe ang game show. No hate on Dingdong though,” sey pa ng isa.
Dito na pumalag ang ilan: “l disagree. Dingdong is a good host kaya nga trending ang Family Feud, he’s good at facilitating the games, letting the guests breathe and have their moments.”
“Dingdong is good while Michael V is funny and quick.”
“Dapat bigyan din ng ganitong show
si Bitoy…”
“Actually, hindi si Dingdong ang nagdadala ng show kundi ang mga celebrity players lalo na pag comedians ang naglalaro. Ang boring niyang mag-host, ‘di nakakasabay sa banter!”