Home NATIONWIDE Paghahain ng counter-affidavit ni Padilla, inilipat sa Nob. 12

Paghahain ng counter-affidavit ni Padilla, inilipat sa Nob. 12

3
0

MANILA, Philippines – Hindi nakapaghain ng counter-affidavit si Sen. Robin Padilla sa Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes dahil sa kakulangan ng ilang dokumento mula sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Inilipat sa Nobyembre 12 ang paghahain ni Padilla ng kanyang counter-affidavit para makapanumpa rin siya rito.

Ito ay kaugnay ng preliminary investigation sa kasong obstruction of justice laban kay Padilla dahil umano sa pagtulong sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon sa Panel of Prosecutors, may ilang dokumentong hindi pa naisumite ng PNP-CIDG kaya hiniling nito ang mga karagdagang requirement.

Nakatakda ang susunod na preliminary investigation sa Oktubre 9, ngunit hindi na dadalo si Padilla at mga abogado na lamang niya ang kakatawan sa kanya.

Kasama ring nagtungo sa DOJ si lawyer Jimmy Bondoc, ngunit sinabi niyang ibang kliyente ang kanyang kinakatawan sa parehong kaso at hindi ito pinangalanan dahil sa privacy.

Samantala, nagdaos ng demonstrasyon ang mga tagasuporta ni Padilla sa labas ng DOJ. Nagpasalamat sa kanila ang senador. Dumalo rin si Sen. Bong Go upang ipakita ang kanyang suporta.

Nauna nang inamin ni Padilla na pinasakay niya sa kanyang sasakyan si Dela Rosa matapos ang insidente ng pamamaril sa Senado noong Mayo 14, ilang oras bago umalis si Dela Rosa sa gusali. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here