Bulacan, Philippines – Hindi na nga tinantanan ng mga bashers si Bulacan Governor Daniel Fernando, lalo’t pagkatapos nang kontrobersyal na interview sa kanya ng veteran broadcaster na si Ted Failon.
Partikular hindi siya tinitigilan ng vlogger na may socmed name na David D Angelo.
Marami naman sa mga commenters ang nagtatanggol sa People’s Governor dahil naipaliwanag na ni Daniel nang paulit-ulit kung ano ang konteksto ng kanyang mga kasagutan sa interview sa kanya ni Failon.
Tinanggap naman ng mga Bulakeno ang paliwanag ni Daniel at sinasabi inuungkat lamang daw diumano ng nasabing vlogger ang interview na ‘yon para diumano ay siraan daw ang governor.
Nakarating na rin naman kay Gov Daniel ang mga paninirang ‘yon pero dedma lang siya at no reax lalo’s nakapokus siya sa long and short term solution ng kapitolyo at national government sa baha sa Bulacan na ngayon ay unti-unti na raw naki-clear.
“Naka-focus lang tayo sa trabaho dahil ang mga bashers, hindi ko na ‘yan pinapansin. Sobrang busy sa public service para tutukan pa natin ang mga bashers na ‘yan,” sabi pa ni Gov Daniel. JP Ignacio